Sa panahon ng iyong pagbabakuna

Ang sumusunod na impormasyon ay binuo para sa website na ito ng mga medikal na propesyonal at mga eksperto sa pampublikong kalusugan gamit ang pamahalaan ng Canada at ibang mga siyentipiko at medikal na mapagkukunan. Hindi ito inilalaan bilang isang medikal na payo. Palaging humingi ng payo ng isang kwalipikadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa anumang mga katanungan na mayroon ka tungkol sa bakuna sa COVID-19.

Ang iyong talaan ng pagbabakuna ay itatabi ng iyong panlalawigan o panteritoryal na awtoridad ng kalusugan. Karaniwan, ang isang papel at/o elektronikong kopya ng iyong tala ng bakuna sa COVID-19 ay ibibigay din sa iyo. Mangyaring siyasatin sa iyong lokal na awtoridad ng kalusugan o sa klinika ng pagbabakuna upang maunawaan kung anong dokumentasyon ang ibibigay.

Oo, kung kailangan mo ng isang tao na makakatulong sa iyong mag-nabiga sa proseso ng pagbabakuna, o kung kailangan mo ng suporta o interpretasyon, maaari kang magdala ng isang taong kasama mo.

Dapat kang magdala ng isang naka-print o electronikong kopya ng iyong kumpirmasyon ng appointment (pagpaparehistro). Dapat mo ding dalhin ang iyong health card kung mayroon kang isa.