Ang sumusunod na impormasyon ay binuo para sa website na ito ng mga medikal na propesyonal at mga eksperto sa pampublikong kalusugan gamit ang pamahalaan ng Canada at ibang mga siyentipiko at medikal na mapagkukunan. Hindi ito inilalaan bilang isang medikal na payo. Palaging humingi ng payo ng isang kwalipikadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa anumang mga katanungan na mayroon ka tungkol sa bakuna sa COVID-19.
Hindi namin masasabi nang may katiyakan, ngunit posible na madala mo pa rin ang virus kahit na nabakunahan ka na. Alam namin na poprotektahan ng bakuna ang mga tao mula sa pagkakasakit mula sa virus, ngunit posible na maaari mo pa ding dalhin ang virus at maging nakakahawa sa iba kahit nakuha mo ang iyong pagbabakuna. Malalaman pa namin nang higit pa habang nagpapatuloy ang mga klinikal na pagsubok at lumalabas ang ebidensya sa totoong mundo. Pansamantala, kakailanganin nating ipagpatuloy ang pagsusuot ng ating mga maskara, magsanay ng pisikal na paglayo, at panatilihin ang pagsunod sa mga rekomendasyon sa pampublikong kalusugan hanggang sa may sapat nang mga Canadian na ganap na nabakunahan.
Tumatagal ng halos dalawang linggo pagkatapos ng pangalawang dosis para sa katawan na makabuo ng kaligtasan sa sakit pagkatapos ng pagbabakuna. Ang isang tao ay maaaring mahawahan ng virus bago o pagkatapos lamang ng pagbabakuna at magkasakit, dahil ang bakuna ay hindi nagkaroon ng sapat na oras upang makapagbigay ng proteksyon.
Ito rin ang dahilan kung bakit kinakailangan ang isang buong serye ng dalawang dosis ng mga bakuna.
Ang paunang pagka-epektibo ng bakuna sa COVID-19 ay napakataas na pagkatapos ng unang dosis (80-92%) at tumatagal ng hindi bababa sa mga ilang buwan.
Ang karanasan sa iba pang mga pagbabakuna na maraming dosis pagkatapos ng isang solong dosis ay nagmumungkahi na ang patuloy na proteksiyon ay maaaring tumagal ng anim na buwan o mas matagal. Sa katunayan, ipinakita sa maraming mga pag-aaral na nakakakuha ka ng mas mahusay na pampalakas ng pagtugon ng immune system kung mas matagal kang maghihintay. Kaya sinusuportahan ito ng agham.
At para sa karamihan ng mga bakuna, ang mga antas ng antibody (kaligtasan sa sakit) ay bababa sa paglipas ng panahon at hindi biglang bababa sa ilalim ng mga antas ng proteksiyon. Kahit na mga buwan o mga taon na ang lumipas, ang isa pang dosis ng bakuna ay maaaring magpalakas ng immunity (kaligtasan sa sakit) sa mas mataas na antas, na nagbibigay ng mas mahabang proteksiyon.
Ngayong mayroon na tayong higit na mas maaasahang supply ng bakuna sa Canada, binawasan sa walong linggo ang timeline sa pagitan ng mga dosis.
Oo, sa ngayon, hanggang sa pagpasiyahan ng Public Health Agency of Canada kung kailan ang tamang oras para alisin ang pagsusuot ng mask at pagdidistansiya. Ito ay dahil tumatagal ng maraming linggo upang maging epektibo ang bakuna (upang bumuo ng kaligtasan sa sakit) at ang pinakamalakas na proteksiyon ay nakakamit lamang pagkatapos ng pagkumpleto ng ikalawang dosis ng mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, Moderna at AstraZeneca para sa COVID-19, para sa pinakamaraming mga tao na maaari.
Hindi pa namin alam kung gaano katagal tumatagal ang proteksiyon para sa mga nabakunahan. Ang mga pag-aaral sa mga mRNA na bakuna ay kasalukuyang nagpapakita na ang mga taong nabakunahan ay mayroong napakalakas na kaligtasan sa sakit sa COVID-19 para sa hindi bababa sa anim na buwan. Mukhang ang kaligtasan sa sakit ay tatagal nang matagal, ngunit kailangan itong subaybayan ng mga pag-aaral sa paglipas ng panahon.
Sa puntong ito, kami ay hindi nakakatiyak kung ang kaligtasan sa sakit ay tatagal ng isang taon o sampung taon, o kung magkakaroon ng pangangailangan para sa isang booster shot sa ilang mga punto ng panahon.
Karaniwan tumatagal ng ilang linggo para sa katawan bumuo ng kaligtasan sa sakit kasunod ng pagbabakuna sa COVID-19. Ngunit tandaan na kinakailangan ang dalawang dosis upang makamit ang pinakamahusay na kaligtasan sa sakit mula sa mga bakuna ng Pfizer-BioNTech, Moderna at AstraZeneca sa COVID-19. Ang bakuna ng Johnson & Johnson COVID-19 ay nangangailangan lamang ng isang dosis.
Pagkatapos ng pagbabakuna, karaniwan na magkaroon ng pansamantalang banayad o katamtamang mga hindi kanais-nais na epekto, kasama ang:
- Pananakit, pamumula, pag-init, pangangati o pamamaga sa lugar ng pag-iiniksyon,
- Pagod
- Sakit ng ulo,
- Pagduduwal,
- Sakit ng kalamnan o kasukasuan, at
- Banayad na lagnat o panginginig.
Ito ay normal na mga palatandaan na ang iyong katawan ay bumubuo ng proteksyon at ang mga sintomas na ito ay dapat mawala sa loob ng mga ilang araw.
Kung ang iyong mga sintomas ay makabuluhan o lumalala, kumunsulta sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Kung pareho ang mga ito sa COVID-19, dapat kang magpasuri at ihiwalay ang sarili hanggang makuha ang mga resulta ng pagsusuri.
Napakabihira na ang isang mas malubhang epekto na tinatawag na anaphylaxis ay maaaring mangyari. Karaniwan ito ay nangyayari sa loob ng mga ilang minuto o unang oras pagkatapos ng pagbabakuna. Para sa kadahilanang ito, ang mga taong tumatanggap ng kanilang bakuna sa COVID-19 ay hinihilingan na manatili nang hindi bababa sa 15 minuto pagkatapos ng pagbabakuna upang masubaybayan ng mga tauhan ng pangangalagang pangkalusugan ang mga indibidwal para sa anumang mga seryosong reaksyon.
Ang mga hindi kanais-nais na epekto ay hindi isang palatandaan kung gumagana o hindi gumagana ang bakuna.
Totoo na ang mga epekto ay normal na mga palatandaan na gumagana ang bakuna at ang iyong katawan ay bumubuo ng proteksyon. Gayunpaman, hindi ito nangangahulugan na dapat kang mag-alala kung wala kang mga hindi kanais-nais na epekto. Halimbawa, ang mga bakunang mRNA ay nagbibigay ng proteksiyon ng kaligtasan sa sakit sa higit sa 90% ng mga tumanggap sa mga klinikal na pagsubok, ngunit higit sa 50% ang iniulat na walang mga epekto. Sa madaling salita, ang karamihan sa mga tao ay hindi nakaranas ng anumang mga reaksyon, ngunit nagkaroon ng lubos na kaligtasan sa sakit.
Kaya, kung hindi ka nakaramdam ng anumang mga hindi kanais-nais na epekto pagkatapos ng iyong bakuna sa COVID-19, hindi ito isang bagay na dapat ipag-alala – mayroon ka pa ring parehong proteksyon tulad ng isang tao na nakaranas ng isang hindi kanais-nais na epekto!