Ang sumusunod na impormasyon ay binuo para sa website na ito ng mga medikal na propesyonal at mga eksperto sa pampublikong kalusugan gamit ang pamahalaan ng Canada at ibang mga siyentipiko at medikal na mapagkukunan. Hindi ito inilalaan bilang isang medikal na payo. Palaging humingi ng payo ng isang kwalipikadong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa anumang mga katanungan na mayroon ka tungkol sa bakuna sa COVID-19.
Kung gusto mong malaman kung karapat-dapat ka na makatanggap ng bakuna sa COVID-19 sa iyong rehiyon, o nais na magpa-book ng isang appointment upang makakuha ng bakuna sa COVID-19, mag-click sa link sa ibaba upang makita ang pinaka nasa panahong impormasyon at mga pagpipilian sa pagpapa-book para sa kung saan ka nakatira.
British Columbia
Alberta
Saskatchewan
Manitoba
Ontario
Quebec
New Brunswick
Nova Scotia
Newfoundland and Labrador
Prince Edward Island
Northwest Territories
Nunavut
Yukon
Ang mga bakuna sa COVID-19 na inaprubahan upang gamitin sa Canada ay hindi naglalaman ng mga itlog, gelatin, baboy, baka, mga produkto ng fetus, merkuryo, formaldehyde, aluminum, thimerosal, o latex, at hindi naglalaman ng mga sangkap na ipagbabawal para sa mga kadahilanang pandiyeta o relihiyon.
Ang kumpletong listahan ng mga sangkap para sa bawa’t bakuna ay maaaring matagpuan sa:
Pfizer-BioNTech: https://www.canada.ca/en/health-canada/services/drugs-health-products/covid19-industry/drugs-vaccines-treatments/vaccines/pfizer-biontech.html
Moderna: https://www.canada.ca/en/health-canada/services/drugs-health-products/covid19-industry/drugs-vaccines-treatments/vaccines/moderna.html
Johnson & Johnson: https://www.canada.ca/en/health-canada/services/drugs-health-products/covid19-industry/drugs-vaccines-treatments/vaccines/janssen.html
Walang mga hakbang na nilaktawan, at lahat ng mga pamamaraan sa kaligtasan ay sinunod. Ang mga bakuna ay nabuo ng mabilis dahil sa mga pagsulong sa teknolohiya at dahil ang mga hindi pangmedikal na mga bahagi ng pag-apruba (ang mga proseso ng burukrasya at pag-aapruba) ay pinadali.
Hindi. Ang protinang ginamit sa bakuna ay hindi nakikipag-ugnay sa o nagbabago ng iyong DNA. Ito ay natural na nasisira sa loob ng mga oras ng pagbabakuna, na nag-iiwan lamang ang mga tagubilin sa paggawa ng mga antibody kung magkataon na ikaw ay malantad sa COVID-19 na virus.
Ang bakuna ng Pfizer-BioNTech ay inaprubahan ng Health Canada para sa mga batang nasa gulang na 12 at mas matanda.
Ang mga bakuna ng Moderna, AstraZeneca at Johnson & Johnson ay inaprubahan ng Health Canada para gamitin sa mga indibidwal na 18 taong gulang at pataas.
Ang mga pag-aaral ay isinasagawa upang alamin ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna sa COVID-19 sa mas nakababatang mga bata.
Sa oras na ito sa Canada, ang mga bakuna sa COVID-19 ay hindi dapat ibigay nang sabay sa iba pang mga bakuna. However, in the U.S., COVID-19 vaccines and other vaccines may now be administered without regard to timing, including simultaneous administration of COVID-19 vaccines and other vaccines on the same day. Dapat mong talakayin sa iyong tagapagbigay ng pangangalaga ng kalusugan kung ito ay ipinahiwatig para sa iyo.
Halos lahat ay ligtas na makakatanggap ng bakuna, ngunit ang isang napakaliit na bilang ng mga tao ay maaaring mangailangan iwasan ang pagbabakuna dahil sa matinding alerhiya sa mga bahagi ng bakuna. Sa konteksto ng patuloy na panganib ng COVID-19, ang karamihan sa mga indibidwal ay maaaring alukin ng pagbabakuna. Sa katunayan, ang mga taong may napapailalim na mga kondisyon sa kalusugan na lubos na pangklinikang mahina ay maaaring maging mas madaling kapitan ng mga komplikasyon mula sa impeksyon ng COVID-19 at dapat makakuha ng bakuna sa sandaling ito ay magagamit sa kanila.
Sa pangkalahatan, ligtas kang kumuha ng bakuna sa COVID-19, kahit na ikaw ay gumagaling mula sa isang sakit (hal., mga shingle), ngunit kung ikaw ay may isang bagong sakit na pumipigil sa iyo mula sa paggawa ng iyong mga regular na aktibidad, ikaw ay dapat maghintay upang kumuha ng pagbabakuna hanggang sa ikaw ay gumaling. Makakatulong ito upang makilala ang mga potensyal na epekto ng bakuna mula sa paglala ng iyong iba pang sakit. Gayundin, ang paghihintay hanggang sa ikaw ay gumaling mula sa isang nakakahawang sakit ay magtitiyak na hindi mo inilalagay ang mga iba sa panganib ng impeksyon kapag ikaw ay pumunta para sa iyong bakuna.
Kung mayroon kang mga sintomas ng COVID-19, dapat kang manatili sa bahay at magpasuri.
Halos lahat ay ligtas na makakatanggap ng bakuna. Walang makabuluhang mga pag-aalala tungkol sa kaligtasan para sa mga may mahinang sistema ng kaligtasan sa sakit o auto-immune na sakit. Posibleng ang bakuna ay maaaring hindi gumana tulad ng inaasahan sa mga taong may mahinang sistema ng kaligtasan sa sakit. Kung mayroon kang mga katanungan at may isang mahinang sistema ng kaligtasan sa sakit o auto-immune na sakit, kausapin ang iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga bakuna sa COVID-19.
Ang regla ay isang kumplikadong proseso, at maaaring ma-impluwensiyahan ng maraming mga bagay, tulad ng mga pagbabago sa kapaligiran, stress, tulog at ilang mga gamot. Sa katotohanan ang mga selula na nakalinya sa matris ay itinuturing na isang aktibong bahagi ng sistema ng kaligtasan sa sakit. Sa katotohanan ang mga selula na nakalinya sa matris ay itinuturing na isang aktibong bahagi ng sistema ng kaligtasan sa sakit. Kapag ang iyong sistema ng kaligtasan sa sakit ay nagtatarabaho nang husto dahil ikaw ay binakunahan o may sakit, ikaw ay maaaring makaranas ng mga pagbabago sa kung paano tumutugon ang endometrium (mga selula na nakalinya sa matris). Sa ganitong paraan posible na ang bakuna ay maaaring makaapekto kahit papaano sa regla.
Ngunit, ang isang bagay na dapat tandaan ay sa anumang oras na tinitingnan mo ang isang malaking grupo ng mga tao, palaging magkakaroon ng mga ilang tao na dumaranas ng mga pagbabago sa kanilang siklo ng pagreregla. Sa daan-daang milyong mga bakuna na ibinibigay sa buong mundo, magkakaroon ng ilang mga tao na dumaranas din ng mga pagbabago sa kanilang siklo ng regla. Tiwala ang mga mananaliksik na ang bakuna ay ligtas, at walang sapat na data upang magmungkahi na dapat magkaroon ng mga alalahanin sa mga potensiyal na pagbabago sa siklo ng regla.
Ang bakuna sa COVID-19 ay hindi nawawala pagkatapos ng pagbabakuna, kaya’t ang pagiging malapit sa nabakunahan na mga indibidwal ay hindi din inaasahan na makakaapekto sa siklo ng isang tao.
Ang anumang mga pagbabago na naranasan mo sa iyong siklo ng regla pagkatapos makakuha ng bakuna ay pansamantala, kaya’t hindi ito dapat maging isang dahilan upang hindi magpa-iniksiyon. Gayunpaman, ang mga kababaihang may mga alalahanin ay dapat makipag-usap sa kanilang doktor dahil ang mga siklo ay maaari ding maantala para sa iba pang mga kadahilanan.
Ang Samahan ng mga Obstetrics at Ginekolohiya ng Canada [Canadian Society of Obstetrics and Gynecology (SOGC)], ang Pambansang Komite ng Pagpapayo sa Pagbabakuna [National Advisory Committee on Immunization], at mga eksperto sa pampublikong kalusugan sa Canada ay lahat nagpayo na ang mga kababaihan na buntis o nagpapasuso ay dapat na iprayoridad at alukin ng pagbabakuna sa anumang oras (sa anumang tatlong buwan) sa panahon ng pagbubuntis at sa panahon ng pagpapasuso kung sila ay karapat-dapat at walang mga umiiral na kontra-indikasyon. Kung mayroon kang mga katanungan, at ikaw ay buntis, nagpaplanong mabuntis o ay nagpapasuso, makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan tungkol sa mga bakuna sa COVID-19.
Walang ebidensiya na ang anumang bakuna, kabilang ang bakuna sa COVID-19, ay nakakaapekto sa kakayahang magkaroon ng anak na alinman sa mga babae o mga lalaki.
Mayroong napaka kaunting mga dahilan kung bakit ang isang tao ay hindi dapat kumuha ng bakuna sa COVID-19.
Hindi ka dapat kumuha ng bakuna kung ikaw ay:
1. Mayroong mga seryosong alerhiya sa anuman sa mga sangkap ng mga bakuna: ang isang sangkap sa mga mRNA na bakuna na naiugnay sa isang bihira ngunit seryosong alerhiya (anaphylaxis) ay ang polyethylene glycol (PEG), na maaaring matagpuan sa ilang mga kosmetiko, mga produkto sa balat, mga pampurga, ilang mga naprosesong pagkain at mga inumin at ibang mga produkto. Tandaan: Ang PEG ay wala sa mga bakuna ng AstraZeneca at Johnson & Johnson. Ang isang sangkap na nasa mga bakuna ng AstraZeneca at Johnson & Johnson na naiugnay sa isang bihira ngunit seryosong alerhiya ay ang Polysorbate 80 – Ito rin ay natagpuan sa mga medikal na paghahanda (hal., mga langis sa bitamina, mga tableta at mga ahenteng panlaban sa kanser) at mga kosmetiko.
2. Nagkaroon ng isang nagbabanta sa buhay na reaksyon sa isang nakaraang dosis ng bakuna sa COVID-19 o sa anumang bahagi ng bakuna.
Makipag-usap sa iyong tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan kung ikaw ay nagkaroon ng isang anaphylactic na reaksyon ngunit hindi alam ang sanhi. Ang seryoso, nagbabanta sa buhay na mga alerhiyang reaksyon sa mga bakuna (anaphylaxis) ay labis na bihira – mas higit na bihira kaysa sa iniisip ng mga tao. Ang anaphylaxis ay maaaring maiwasan sa maraming mga kaso at nagagamot sa lahat ng mga kaso. Ang lahat ng mga nagbabakunang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan sa Canada ay kinakailangan na magsanay at magbantay para sa at paggamot ng anaphylaxis kaagad. Pambihira, batay sa mga rekomendasyon ng isang doktor ng alerhiya at Medikal na Opisyal ng Kalusugan, na maaaring makatanggap ang isang tao ng isang bakuna sa isang ospital na kapaligiran.
Hindi inirerekomenda na ikaw ay uminom ng alkohol o dumating na lasing sa iyong appointment sa pagbabakuna. Ito ay hindi dahil sa isang pag-aalala sa kaligtasan ng bakuna (na ang alkohol ay nakakasagabal sa bakuna) ngunit dahil kailangan ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang iyong may kaalamang pahintulot bago magbigay ng mga bakuna. Ang alkohol ay maaaring pahinain (bawasan) ang iyong kakayahan na lubos na maunawaan ang impormasyong pangkalusugan at magtanong ng mga katanungan.
Walang mga pag-aaral sa paligid ng paggamit ng alkohol at pagiging epektibo ng mga bakuna sa COVID-19. Ang mga taong nagpupunyagi laban sa karamdaman sa paggamit ng alkohol [alcohol use disorder (AUD)] ay maaaring magkaroon ng isang nakompromiso (mahina) na sistema ng kaligtasan sa sakit at dapat makipag-usap sa kanilang tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan. Ang ekspertong opinyon ay hindi namin inaasahan na ang isang katamtamang halaga ng paggamit ng alkohol ay magkakaroon ng negatibong epekto sa pagtugon ng kaligtasan sa sakit sa bakuna.
Kung gumagamit ka ng cannabis, ang bakuna sa COVID-19 ay ligtas para sa iyo.
Gayunpaman kapag oras na para sa iyong appointment, inirerekomenda namin na ikaw ay hindi maging high. Ito ay hindi dahil sa pag-aalala sa kaligtasan ng isang bakuna (na ang marijuana ay nakakasagabal sa bakuna) ngunit dahil kailangan ng tagapagbigay ng pangangalagang pangkalusugan ang iyong may kaalamang pahintulot bago magbigay ng mga bakuna. Maaaring pahinain ng Marijuana (bawasan) ang iyong kakayahan na lubos na maunawaan ang impormasyong pangkalusugan at magtanong ng mga katanungan.
Walang mga pag-aaral sa paligid ng paggamit ng cannabis at pagiging epektibo ng mga bakuna sa COVID-19. Mayroong umuusbong na ebidensya na nagmumungkahi na ang paninigarilyo ng cannabis ay maaaring magkaroon ng mga negatibong kahihinatnan sa sistema ng paghinga at kakayahan ng kaligtasan sa sakit ng isang tao kaya’t higit pang mahalaga na kumuha ng bakuna sa COVID-19 upang maprotektahan ang iyong sarili mula sa virus kung naninigarilyo ka.